How can we help?

You can also find more resources in our Help Center.

61 terms

Aralin 1 Ang mundo at ang sangkatauhan

STUDY
PLAY
gravity
lakas o pwersang humahatak sa mga bagay sa sentro ng daigdig
heologo
taong nag-aaral ng istruktura ng Mundo at mga likas ng prosesong nakaapekto rito
siyentipiko
taong dalubhasa sa pagaaral ng agham o siyensiya
solar system
binubuo ng Araw at mga planeta kasama ng kanilang buwan o mga buwan; lumiligid ang lahat ng mga ito sa Araw
teorya
matalinong palagay o kuro-kuro bagama't hindi pa napatutunayang totoo
Teoryang Big Bang
ang Mundo ay nabuo matapos ang isang malakas na pagsabog. May 15 hanggang 20 bilyong taon na ang nakaraan.
Teoryang Nebular
ang mga planeta ay nagmula sa mga masa ng gas na nagkawatak-watak dahil sa lakas ng gravity ng umiikot na nebula sa paligid ng Araw.
Teoryang Solar Disruption
nagmula ang mga planeta sa mga pira-pirasong bahaging nanggaling sa Araw nang muntik nang mabanggaan ang Araw at isa pang bituin.
Sir Isaac Newton
ang unang nagsabi na ang mundo ay may hugis na oblate spheroid
ekspedisyon ni Ferdinand Magellan.
ekspedisyon na unang matagumpay na pagligid sa mundo.
oblate spheroid
mas malapad ito sa may bahaging gitna at may pagkapatag sa magkabilang dulo parang dalandan.
geodesy
siyensya na nagaaral at sumusukat sa eksaktong sukat at dimensiyon ng Mundo
crust o balat ng mundo
dito tayo nakatira. Pinakamanipis ito sa mga layer ng mundo. Tinatayang tatlo hanggang limang milya ang kapal nito sa ilalim ng karagatan (oceanic crust) at mga 25 milya naman ang kapal nito sa ilalim ng mga kontinente (continental crust). Nahahati ito sa mga pira-pirasong plate at nakalutang ito sa malambot na bahagi ng mantle.
mantle
ang pinakamakapal na layer. 1800 milya ang kapal nito. Binubuo ito ng maiinit at mabibigat na mga bato. Ang mga layer ng mga batong ito ay natutunaw na parang aspalto dahil sa tindi ng init. Ang mga paggalaw ng mantle ang dahilan kung bakit gumagalaw ang mga plate ng mundo.
outer core
Parang isang mainit na bolang metal. Ang init nito ay umaabot sa 4000 hanggang 9000°F. Kaya ang mga metal dito ay natutunaw at nagiging likido. Ang kapal nito ay tinatayang 1400 milya. Ito ay binubuo ng tunaw na nickel at iron.
inner core
Mataas na mataas ang temperatura at pressure dito. ang mga metal ay nagsisiksikan at hindi na nakadadaloy bilang likido. Ang temperatura nito ay umaabot sa 9000°F. May kapal ito ng 800 milya.
karagatang Pasipiko
ang pinakamalawak at ang pinakamalalim na karagatan. Ang pinakamalalim na bahagi ng Karagatang Pasipiko ay 11, 033 m na matatagpuan sa Mariana Trench.
Dagat (sea)
sumusunod sa karagatan kung lawak at lalim ang pagbabatayan. Napapaligiran o bahagyang napapaligiran ng lupa. Hal. Dagat Timog Tsina at ang Dagat Sulu
Golpo (gulf)
matatagpupan sa paligid ng isang tangway o peninsula. Ang Golpo ng Persia sa kanlurang Asya at Golpo ng Lingayen sa Pangasinan ay ilan sa mga halimbawa.
Look (bay)
bahagi ng dagat na napaliligiran ng lupa, tulad ng Look ng Maynila.
Lagusan (channel)
bahagi ng karagatang naglalagos mula sa isang dagat patungo sa iba pang anyong-tubig sa labas ng kapuluan. Ang Babuyan Channel ay isa sa mga halimbawa.
Kipot (strait)
naguugnay sa dalawa pang malalaking anyong tubig. karaniwan ito ay makitid at mahaba kaya't tinatawag na kipot mula sa salitang makipot. Kipot ng Guimaras ay isang halimbawa.
Lawa (lake)
napapaligiran ng lupa. hindi ito dumadaloy sa dagat. 8 lawa ang matatagpuan sa Laguna - Laguna, Sampalok, Palakpakin, Yambo, Bunot, Pandin, Muhikap, at Calibato
Ilog (river)
anyong tubig na paliku-likko't mahabang nagmumula sa bundok. nabubuo ito sa pagsama-sama ng mga batis, bukal at ulan. mahalaga ito sa lugar dahil maari itong daanan bilang isang transportasyon, gawing patubig sa sakahan, industriya, at iba pang gawaing domestiko. Ang malalaking ilog ay maari ding pagmulan ng enerhiyang magagamit sa paglikha ng kuryente.
Ilog Cagayan
pinakamahabang ilog sa Pilipinas
Batis (brook)
maliit kaysa sa ilog, nagmumula sa gilid ng bundok at burol.
Sapa (stream)
higit na mas maliit kaysa sa batis. Kadalasang natutuyo kapag taginit.
Talon (falls)
nagmumula sa tuktok ng bundok o sa isang mataas na lugar. ang tubig mula dito ay bumabagsak sa lupa at dumadaloy at umaanib sa iba pang anyo ng tubig gaya ng ilog at lawa. Hal. Talon ng Pagsanjan sa Laguna at Talon ng Maria Cristina sa Lanao del Norte
Bukal (spring)
bumubukal mula sa ilalim ng lupa. ang tubig nito ay maaring mainit o malamig. sinasabing ang tubig mula dito ay nakagagamot ng iba't-ibang uri ng sakit. Hal. Tiwi Hot Spring sa Albay.
Ang mundo
bahagi ng solar system. Ito ang pangatlong planeta mula sa Araw. Sa ngayon, ito ang nagiisang planetang may buhay. Ito ay tahanan ng sangkatauhan.
kontinente
malalaking masa ng lupa sa mundo
Asya
ang pinakamalaking kontinente at ang may pinakamalaking populasyon. Tahanan ng 60% ng populasyon ng mundo.
Aprika
pangalawang pinakamalaking kontinente sa mundo. Malaking bahagi ng kalupaan nito ay disyerto.
Hilagang Amerika
ikatlong pinakamalaking kontinente.
Timog Amerika
pang-apat na pinakamalaking kontinente.
Europa
itinuturing na bahagi ng kontinente ng Eurasia. panlimang pinakamalaking kontinente.
Antarktika
matatagpuan sa paligid ng Timog Polo at pang-anim na pinakamalaking kontinente. Nababalutan ng makakapal na yelo ang kontinente at ang klima nito ay higit na malamig kaysa sa rehiyong Arktiko na nasa Hilagang Polo. Walang permanenteng naninirahan dito.
Oceania
minsan ay tinatawag na Australia, ang pinakamalaking bansang kabilang sa kontinenteng ito.
Bundok
masa ng lupain kung saan ang taluktok ay umaabot sa mga 1,000 talampakan o mahigit pa. Ito ang pinakamataas na anyong lupa.
Bundok Everest
pinakamataas na bundok sa buong mundo
Bulubundukin
binubuo ng magkakahilerang mga bundok. Ang Bulubundukin ng Sierra Madre sa Luzon ay isang halimbawa nito.
Burol
anyong lupa na higit na mababa kaysa sa bundok. Sa Pilipinas, isang halimbawa ang Chocolate Hills ng Bohol.
Bulkan
anyong-lupa katulad ng bundok ngunit mayroon itong butas o lagusang dinadaluyan palaabas ng kumukulong putik at bato lalo na kung ito ay aktibo. Ang Bulkang Mayon at Bulkang Taal ay ilang halimbawa nito.
Talampas
patag na anyong-lupang matatagpuan sa mataas na lugar o itaas ng bundok. Karaniwang malamig ang klima rito dahil sa mataas na altitude gaya ng Lungsod ng Baguio.
Lungsod ng Baguio
summer capital ng bansa
Kapatagan
malawak at patag na anyong-lupang karaniwang tinatamnan at sinasaka.
Gitnang Luzon
pinakamalawak na kapatagan ng bansa
Disyerto
anyong-lupang natatabunan ng makapal at tuyung-tuyung buhangin.
kamelyo
may kakayahang makatagal sa disyerto dahil sa natatanging katangian nitong makapag-imbak ng tubig sa katawan
Disyerto ng Sahara sa Africa
pinakamalaking disyerto sa buong mundo
Tangway
anyong-lupang may bahaging nakaungos na napaliligiran ng anyong-tubig. Ang bansang Italya at ang lalawigan ng Pangasinan ay mga halimbawa nito.
Pulo
isang masa ng anyong-lupang higit na maliit kaysa sa kontinente at napaliligiran ng tubig.
Kapuluan o Arkipelago
isang bansang binubuo ng maraming pulo. Hal. Pilipinas at Indonesia
Lambak
patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok. Mainam ding gawing taniman gaya ng Lambak ng Cagayan.
atmospera
parang isang malaking blanket na nagbibigay-proteksyon sa atin laban sa matinding init at matinding radiation mula sa araw
nitrogen
kailangan natin sa ating paglaki at sa pagkumpuni ng mga cells
oxygen
ginagamit sa pagtunaw ng pagkain upang maging enerhiyang kailangan ng tao, hayop at halaman
Troposphere
mula sa ibabaw ng mundo hanggang sa 5-9 milyong taas. Dito naninirahan ang mga tao. nararanasan dito ang iba't-ibang panahon. kilala ito bilang mababang atmospera
Stratosphere
narito ang ozone layer na humihigop sa ultraviolet radiation ng Araw. kadalasan dito lumilipad ang mga eroplano dahil walang bagyong nararansan dito.
Mesosphere
narito ang mesopause na siyang naghihiwalay sa mesosphere at thermosphere
Thermosphere
ang temperatura dito ay umaabot hanggang 1,727 C dahil sa Araw. kilala rin ito bilang mataas na atmospera