Scheduled maintenance: Thursday, December 8 from 5PM to 6PM PST
Only $35.99/year

Terms in this set (48)

Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansing ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa
ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, at iba pa.
May pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matatanda sa mga kabataan;
ng mga may kaya at mahihirap; ng babae sa lalaki, o sa bakla; gayundin ang wika ng preso; wika ng
tindera sa palengke; at ng iba pang pangkat. Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay
na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit
ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na
kanilang kinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang
matutuhan ang sosyolek nito.
Kabilang din sa sosyolek ang "wika ng mga beki" o tinatawag ding gay lingo. Ito'y isang
halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binabago nila ang
tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa ang mga salitang "churchill" para sa sosyal, "Indiana Jones"
o hindi sumipot, "bigalou" o malaki (big), "Givenchy" o pahingi (give), "Juli Andrews" o mahuli,
at iba pa. Ang unang intensiyon sa paggamit nila sa wikang ito ay para magkaroon sila ng sikretong
lengguwahe na hindi maiintindihan ng mga taong hindi kabilang sa kanila, subalit sa kasalukuyan,
nagagamit na rin ito sa mainstream. Isang patunay ito na ang wika ay buhay at mabilis yumabong.
Patunay rin ito na malakas ang impluwensiya ng "gay lingo" dahil hindi na lang sa mga beauty parlor
naririnig ang mga ito kundi sa iba't ibang lugar at pagkakataon man. Halimbawa, sa palitan ng
patutsadahan ng mga tagapagsalita ng kampo ng Pangulong Aquino at ni VP Binay na nag-ugat sa
"True State of the Nation Address" o TSONA ng pangalawang pangulo nagamit ang gay lingo.
Tinawag ni Lacierda na 'charot' o isang biro ang TSONA ni VP Binay. Sumagot naman si Joey
Salgado, tagapagsalita ng Office of the Vice President ng "imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu
ang spluk ni VP Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu.''
Maraming magkakaibang komento ang inani ng patutsadahang ito. May mga hindi sumasang-
ayon at agad pinuna ang sagutan ng dalawang kampo at ang wikang ginamit. May mga naaliw rin tulad
ni dating Commissioner Ruffy Biazon na nag-post sa kanyang twitter account ng ganito, "bonggacious
ang tarayan, naloka aqui."
Nabibilang din sa barayting sosyolek ang wika ng mga "coño" na tinatawag ding "coñotic'' o
"conyospeak" isang baryant ng Taglish. Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino
kaya't masasabing may code switching na nangyayari. Halimbawa ay sa pangungusap na "Bilisan mo
at late na tayo" kung saan ang salitang Ingles na "late" ay naihalo sa iba pang salita sa Filipino. Sa
"coñotic" o "conyospeak" ay mas malala ang paghahalong Tagalog at Ingles na karaniwang
ginagamitan ng pandiwang Ingles na "make" na ikinakabit sa mga pawatas na Filipino tulad ng "make
basa, make kain, make lakad," at madalas ding kinakabitan ng mga ingklitik sa Filipino tulad ng pa,na, lang, at iba pa. Ito ay karaniwang maririnig sa mga kabataang may kaya at nag-aaral sa mga
ekslusibong paaralan. Ang ganitong uri ng pagsasalita ay karaniwang ipinagtataas ng kilay ng
nakararami. Makikita sa ibaba ang usapan ng magkaibigang gumagamit ng "conyo peak."
Kaibigan 1: "Let's make kain na."
Kaibigan 2: Wait lang. I'm calling Anna pa.''
Kaibigan 1: Come on na. We'll gonna make pila pa. It's so haba na naman for sure."
Kaihigan 2: I know, right? Sige, go ahead na."
Kung ang coño ay sosyolek ng mga "sosyal"o ''pasosyal" na mga kabataan, may isa pang
barayti ng sosyolek para naman sa mga kabataang jologs, ang "jejemon" o "jejespeak." Sinasabing ang
salitang jejemon ay nagmula sa pinaghalong "jejeje" na isang paraan ng pagbaybay ng "hehehe" at ng
salitang mula sa Hapon na pokemon. Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa mga wikang Ingles
at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang
malalaki at maliliit na titik kaya't mahirap basahin o intindihin lalo na nating hindi pamilyar sa
tinatawag na jejetyping. Noong una'y nagsimula lang ito sa kagustuhang mapaikli ang salitang itina-
type sa cell phone upang mapagkasya ang ipadadalang SMS o text message na may limitadong 160
titik, letra, at simbolo lang kaya sa halip na "Nandito na ako" pinaiikli at nagiging "d2 na me." Subalit
kalaunan sa halip na mapaikili ay napahahaba pa ng mga jejemon ang salita o mensaheng ginagamitan
ng mga titik, letra, at mga simbolo. Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z sa mga salita ng
jejemon.
Maliban sa mga nabanggit, ang sosyolek ay maaari ring tumukoy sa pangkat ng isang
propesyon, partikular na trabaho, o gawain ng tao. Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng
partikular na pangkat ay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa, ang mga
abogado ay makikilala sa mga jargon na tulad ng exhibit, appeal, complaint, at iba pa.
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na "nobody's native language" o
katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang (2) taong nagtatangkang
mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya't hindi magkaintindihan dahil hindi
nila alam ang wika ng isa't isa. Halimbawa ay ang nangyari nang dumayo ang mga Espanyol sa
Zamboanga at makipag-usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang nalalaman sa
wika ng bawat isa, nagkaroon sila ng tinatawag na makeshift language. Wala itong pormal na
estruktura kaya't ang dalawang (2) nag-uusap na lumilinang ng sarili nilang tuntuning pangwika. Sa
kaso ng mga Espanyol at katutubo ng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong
Espanyol at wikang katutubo. Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika.
Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na
ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon, kaya't nadevelop ito
hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod nang karamihan. Ito ngayon ay tinatawag
ng creole: ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.
Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit
niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang
kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi
niya masyadong kakilala. Pormal na wika rin ang nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o
pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o meeting, sa mga talumpati, sa korte, sa
paaralan, at iba pa. Kapag sumusulat ng panitikan, ulat, at iba pang uri ng pormal na sanaysay ay
pormal na wika rin ang ginagamit.
Ang di-pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga
kaibigan, malalapit na kapamilya, mga kaklase, mga kasing-edad, at 'yung matatagal nang kakilala.
Nagagamit ito sa mga pamilyar na okasyon tulad kasayahang pampamilya o magbabarkada, gayundin
sa pagsulat ng liham pangkaibigan, komiks, sariling talaarawan, at iba pa.
Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng
katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Ang
pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ang naging katumbas ng pagpapalaganap ng
Kristyanismo. Ang mga Prayleng Espanyol ang siyang naging institusyon ng mga Pilipino. Upang
maisakatuparan ang layunin ng mga Espanyol, inuna nila ang paghahati ng mga isla ng mga
pamayanan. Nakita ng mga espanyol na mahirap palaganapin ang relihiyon, patahimikin, at gawing
masunurin ang mga Pilipino kung iilan lamang ang prayleng mangangasiwa. Ang pamayanan ay
pinaghati-hati sa apat na orden ng misyonerong Espanyol na pagkaraa'y naging lima.
LIMANG (5) MISYONERONG PRAYLE
· Agustino
· Pransiskano
· Dominikano
· Heswita
· Rekoleto
Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga
katutubo. Nang sakupin ng mga Espanyol ang mga katutubo, mayroon na ang mga itong sarilingwikang ginagamit sa pakikipag-usap at pakikipagkalakalan ngunit pinigil ito ng mga Espanyol. Sa loob
ng maraming taon, sinikil ng mga Espanyol ang kalayaan ng mga katutubong maipagkalakalan sa
ibang lugar upang hindi na nila magamit ang wikang katutubo. Upang mas maging epektibo ang
pagpapalaganap ng Kristyanismo, ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang
katutubo. Nabatid nila na sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon mas magiging kapani-paniwala at
mas mabisa kung mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo. Ang mga prayle ay nagsulat
ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo, at mga kumpresyonal para sa mapabilis ang
pagkatuto nila ng katutubong wika. Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng pamamahala ng
simbahan ang edukasyon ng mamamayan noong panahon ng Espanyol. Inutos ng hari na ipagamit ang
wikang katutubo sa pagtuturo ngunit hindi ito nasunod. Nagmungkahi si Gobernador Tello na turuan
ang mga Indio ng wikang Espanyol. Si Carlos I at Felipe II ay naniniwlang kailangan maging
bilingguwal ang mga Pilipino. Iminungkahi ni Carlos I na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang
wikang Espanyol. Napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa wikang ginagamit nila
samantalang napalayo sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang ginamit nila.
Noong ika-2 ng Marso, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo
ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo. Noong Disyembre 29, 1792, si Carlos IV ay lumagda sa isa
pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa pamayanan
ng mga Indio. Sa panahong ito, nanganib ang wikang katutubo ng mga Pilipino, nagkawatak-watak
ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo.
Matapos ang kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa pamumuno ni
Almirante Dewey. Lalong nagbago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdagan ang
wikang Ingles na angkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino.
Ginamit ang wikang Ingles bilang panturo nang panahong iyon. Buhat sa antas primarya hanggang
kolehiyo, ang Ingles ang naging wikang panturo. Nagkaroon ng pambansang sistema ng edukasyon sa
kapuluan dahil sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa pakikipag-ugnayan.
Inaasahang sa pamamagitan ng sistema ng edukasyon, magiging tama ang edukasyon ng mamamayan,
masasaklaw at maituturo sa mga Pilipino ang pamamahala sa sariling bayan.
Ang komisyong pinagunahan ni Jacob Schurman ay naniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyon
primarya. Batas Blg. 74 noon ika-24 ng Marso, 1901, itinakda ng komisyon na nagtatag ng mga
paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo.
Hindi naging madali para sa nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles sa mga mag-aaral, sa mga
naturang asignatura.
3R's - Reading, Writing, Arithmetic
Hindi maiwasan ng mga guro ang paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag-
aaral. Ang Superintende Heneral ng mga paaralan ay nagbigay ng rekomendayon sa Gobernador
Militar na ipagamit ang bernakular bilang wikang pantulong. Pinagtibay ng Lupong ng Superyor na
Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya na Ingles-Ilokano, Ingles-
Tagalog, Ingles-Bisaya, at Ingles- Bikol. Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa wikang Tagalog
pra sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ang mga mag-aaral.
Nang sumunod na taon, may ipinakilalang bill sa Asembleya na nagmumungkahi ng paggamit ng mga
diyalekto sa pambayang paaralan, ngunit ito ay hindi napagtibay. Mga sundalo ang unang nagsipagturo
ng Ingles at sumunod ang grupong kinilala sa tawag na Thomasite. Noong 1931, ang bise Gobernador
Heneral Goerge Buttena na siyang kalihim ng Pambayang Pagtuturo ay nagpahayag ng kanyang
panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral. Sinabi rin na
hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika
ng tahanan. Sang-ayon naman ito kina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw, ngunit matibay ang pananalig
ng Kawani ng Pambayang Paaralan na nararapat lamang na Ingles ang ituro sa pambayang paaralan.
1. Walumpung porsiyento (80%) ng mag-aaral ang nakaabot ng ikalimang grado.
2. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primarya.
3. Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na
Tagalog ito sapagkat isang (1) porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng
Ingles.
4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi
naman natututo ang mga mag-aaral kung paano nila malulutas ang problemang kahaharapin
nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng
nasyonalismo.
6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay na para sa ikabubuti ng lahat katulad ng
paggamit ng bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular,
kailangan lamang na ito ay pasiglahin.
Alinsunod sa layunin na maitaguyod ang wikang Ingles, nagsagawa ang Kawanihan ng Pambayang
Pagtuturo ng mga alituntuning dapat sundin. Ito ay ang mga sumusunod:
· Paghahanap ng titser na Amerikano lamang
· Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang aralin
· Pagbibigay ng malaking empasis o diin sa asignaturang Ingles sa mga kurikulum sa lahat ng
antas ng edukasyon,
· Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan
· Pagsalin ng mga teksbuk sa wikang Ingles
· Paglalathala ng mga magasing local para magamit sa paaralan, at
· Pag-aalis at pagbabawal ng wikang Kastila sa Paaralan.
Ayon kay Henry Jones Ford sa kanayang pagsisiyasat, inulat nito na "gaya ng makikita, ang
gobyerno ay gumastos ng milyung-milyon para maisulong ang paggamit ng Ingles upang mabisang
mapalitan nito ang Kastila at mga dayalek sa mga ordinaryong usapan, at ang Ingles na sinasalita ay
kay hirap na makilala ng Ingles na nga." Ganito rin ang obserbasyon nina Propersor Nelson at Dean
Fansler (1923) na maging ang mga kumukuha ng mataas ng edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng
wikang Ingles.
Ayon sa ginawang sarbey nina Najeeb Mitri Saleeby at ang Educational Survey Commission na
pinamunuan ni Dr. Paul Monroe, natuklasan nila na ang kakahayahang makaintindi ng mga kabataang
Pilipino ay napakahirap tantyahin kung ito ba hindi nila malilimutan paglabas ng paaralan.
· Sa madaling salita, kahit na napakahusay ng maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi
parin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang
bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang-araw-
araw na gawain.
· May duda si Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa pagtuturo sa ulat ng 1925 Monroe
Survey Commission, maraming bata ang humihinto ng pag-aaral sa loob ng limang (5)
taon, nasasayang lamang ang malaking gastos upang makapagpadala ng mga Amerikanong
guro upang magturo ng Ingles dahil hindi mapapanatayan ang isang Pilipinong sinanay na
magturo ng wika ang kakayahang magturo ng Ingles ng isang Amerikano.
Noong 1933-1935, suportado nina Joseph Ralston Hyden, Bise Gobernador ng Filipinas
ang sistemang Amerikano ng edukasyonm ngunit tinanggap din niyang wikang katutubo
ang ginagamit ng karaniwang Filipino kapag hindi kailangan mag-Ingles.
· Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal naging paksa ang pagpili ng wikang
pambansa.
· Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nasrarapat na maging
wikang pambansa.
· Ang panukala ay sinusugan naman ni Pang. Manuel A. Quezon nsa siayang pangulo ng
Pamahalaang Komonwlet ng Pilipinas.
· Nakasaad ang probisyon sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Bata s ng 1935. Nilikha
ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad nang paglikha ng
Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre, 1936.
Ø Tungkulin nito na ay magsagawa ng pananaliksik, gabay, at alituntunin na magigin
batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Ø Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa.
Ø Ipinalabas noong 1937 ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng
wikang pambansa.
Noong panahon ng mga Hapones, nagkaroon ng paglusong ang wikang pambansa. Sa
pagnanais na mabura ang anumang impluwensya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit
ng Ingles sa ano mang aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinagbawal din ang paggamit ng
lahat ng aklat at peryodikal tungkol sa Amerika. Ipinagamit nila ang katutubong wika, partikular
ang wikang Tagalog, sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Sa panahong ito ipinatupad ang
Ordinasa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapones
(Niponggo). Upang maitaguyod din ang patakarang military ng mga Hapon pati narin ang
propagandang pangkultura, itinatag ang tinatawag na Philippine Executive Commission sa
pinamunuan ni Jorge Vargar. Nagpatupad ang komisyong ito ng mga pangkalahatang kautusan
buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas. Pagkaraan ng ilang buwang
pananakop ng mga hapones, muling binukasana ang mga paaralan sa lahat ng antas.
Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang-diin ang paggamit ng tagalog
upang maalis ang paggamit ng wikang Ingles. Ang gobernador-militar ay nagturo sa mga guro ng
pambanyagang paaralan ng Nihonggo. Ineeksamin ang kakayahan ng guro sa wikang Niponggo
upang kapag sila ay naging bihasa na, sila naman ang magtuturo. Ang mga nagsipagtapos ay
bibigyan ng katibayan upang maipakita ang kanilang kakayahan sa wikang Niponggo.
Ang katibayan ay may tatlong (3) uri: Junior, Intermediate, at Senior.
Sa panahong ito ay isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas. Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at
pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones ang mga layunin ng
kapisanang ito. Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito. Pangunahing proyekto ng
kapisanan ang paglaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan. Katulong nila sa proyektong
ito ang Surian ng Wikang Pambansa.
· Noong panahong iyon, nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng wikang
pambansa at liberal na aral sa tradisyon ng mga Amerikano.
· Hindi ito ipinakita ng lantaran sa dahil ang bayan ay nasa ilalim ng Batas Militar.
· Mayroon ding debate sa pagitan ng mga Taglista laban sa mga Tagalista na ang pinagtatatlunan
ay tungkol lamang sa maliliit na bagay, katulad ng kung saan gagamitin ang gitling.
· Isa pa rin ang usapin ng mga Tagasalita laban sa mga may kaalamang panglinggwistika na
kapawa naman para sa wikang pamabansa ngunit nagnanais lamang matalakay ang wika batay
pagiging agham nito.
· Noong panahon ng mga Hapones naging masigla ang talakayan sa wika.
· May tatlong namamayagpag sa usaping pangwika
Ø Pangkat ni Carlos Ronquillo
Ø Pangkat ni Lope K. Santos
Ø Pangkat ni N. Sevilla at G. E. Tolentino
· Sa pagnanais ng mga Hapones na maitaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay ang Surian ng
Wikang Pamabansa.
· Si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Taglaog sa mga Hapones at di-tagalog.
· Para sa madaling ikatututo ng kanayang mga mag-aaral ay gumawa siya ng kasanayang tinawag
na "A Shortcut to the National Language"
· Iba't iba ang kanyang pormularyo upang lubos na matutunan ang wika
Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa
lawak ng naaabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood
ng telebisyon sapagkat nararating na nito maging ang malalayong pulo ng bansa at mga Pilipino sa
ibang bansa. Ang magandang balita, wikang Pilipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating
bansa. Ang halos lahat ng mga palabas sa mga lokal na channel ay gumagamit ng wikang Filipino at
ng iba't ibang barayti nito. Ito ang wika ng mga teleserye, mga pantanghaling palabas, mga magazine
show, news and public affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality TV, at mga programang pang-
edukasyon. May mangilan-ngilang programa sa wikang Ingles, subalit ang mga ito'y hindi sa mga
nangungunang estasyon, kundi sa local na news TV. Ang mga ito ay madalas inilalagay hindi sa
primetime, kundi sa gabi kung kailan tulog na ang nakararami.
Ang pagdami ng palabas na pantelebisyon, partikular ang mga teleserye, telenobela, at mga
pantanghaling programa ay dumarami. Ito ay sinusubaybayan ng milyon-milyong manonood na isa sa
mga malalaking dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at
nakapagsasalita ng wikang Filipino. Malakas ang impluwensiya ng mga programang ito na gumagamit
ng wikang Filipino sa mga manunuod. Hindi kasi uso ang mag-subtitle o mag-dub ng mga palabas sa
mga wikang rehiyonal. Ang madalas na eksposyur sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit
sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino. Maraming kabataan
ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa
Katagalugan. Sa mga probinsya, kung saan rehiyonal na wika ang karaniwang gamit, ay ramdam ang
malakas na impluwensiya ng wikang ginagamit sa telebisyon. Makikita sa mga paskil o babalang nasa
paligid ng mga lugar na ito ang paggamit ng wikang Filipino tulad ng "Bawal Pumarada Rito" o
"Bawal Magtapon ng Basura Rito." Kapag nagtanong ka ng direksiyon sa wikang Filipino ay sasagutin
ka rin ng wikang Filipino. Patunay ang mga ito na habang dumarami ang manonood ng telebisyon ay
lalong lumalakas ang hatak ng midyum na gumagamit nito sa mga mamamayan saanmang dako ng
bansa at maging ng mundo.
Bagama't mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipapalabas sa ating bansa, ang
mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood. Katunayan, sa 20 nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014
batay sa kinita, lima (5) sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga
lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Filipino, tulad ng One More Chance, Starting
Over Again, It Takes a Man and a Woman, Bride for Rent, You're My Boss, You're Still the One, at
iba pa. Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika.
Hindi na nga maikakailang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo, at
pelikula. Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang
midyum ay upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig, o mambabasa na
makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin upang kumita nang mas
malaki. Subalit, hindi rin mapasusubalian ang katotohanan dahil sa malawak na impluwensiya ng
wikang ginagamit sa mass media at mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita,
nakauunawa, at gumagamit sa wikang Filipino. Ito ay isang mabuting senyales para sa pag-unlad at
paglago ng ating wikang pambansa.
Bagama't laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na
ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig
na tono ay impormal, at waring hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyunalismo. Sa
maraming babasahin at palabas sa Filipino, tila nangingibabaw na layunin ay manlibang, at lumikha
ng ugong at ingay ng kasayahan. Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass
media at mga taong tumatangkilik nito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino, kundi magamit din
ito ng mga nasabing midyum upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.
Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text
message o text ay isang mahalaganag bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan, humigit-
kumulang apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw, kaya naman
tinagurian tayong "Texting Capital of the World". Higit na itong popular kaysa tumawag sa telepono
dahil may mga pagkakataong mas komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng
nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o sa pamamagitan ng telepono. Sa text nga naman ay hindi
mo nakikita ang ekspresyon ng muka o tono ng boses ng taong tumatanggap ng mensahe. Sa pagpindot
din sa keypad ay mas nabibigyan ng pagkakataon ang taong i-edit ang sarili niya at piliin ang mas
angkop na pahayag o salita kaysa sa kung aktuwal niya itong sinsabi sa harapan man o sa telepono.
Subalit ano ba ang katangian ng wika sa SMS o text? Ikaw mismo kapag nagte-text ay
malamang na gumagamit ng magkahalong Filipino at Ingles at pinaikling mga salita, hindi ba?
Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng
Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas ding binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para
mas madali o mas mabilis itong mabuo. Para makatipid sa espasyo at para mapabilis ang pagpindot sa
maliit na keypad ng cellphone, 160 characters (titik, numero, at simbolo) lang ang nilalaman ng isang
padalahan ng mensahe. Walang sinusunod na tuntunin sa pagpapaikli ng salita, gayundin sa kung Ingles o Filipino ba ang gamit, basta't maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali, at kahit
paano'y naiintindihang paraan.
Sa panahong ito ay marahil mabibilang na lang sa daliri ang tao, lalo na ang mga kabataan, ang
wala ni isang social media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr, at iba
pa. Maging mga nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na
umaarangkada ang social life sa pamamagitan ng social media. Marami ang nagtuturing ditong isang
biyaya dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga
mahal sa buhay, lalo na iyong mga malalayo sa isa't isa o matagal nang hindi nagkikita.
Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga nakapost na impormasyon,
larawan, at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga ito.
Kumusta naman kaya ang paggamit ng wika sa mga social media sites? Tulad din ng sa text,
karaniwan ang code switching sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit
ng daglat sa mga post at komento rito. Gayunpaman, dahil di tulad ng text o SMS na pribado o iisang
tao lang ang inaasahang makababasa, sa social media ay mapapansing mas pinag-iisipan ang mga
salita o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang maaaring makabasa nito. Sa post o komento
ay madalas makita ang edited. Ibig sabihin, may binago o inayos ang nag-post o nag-komento
pagkatapos niya mabasa ang isinulat.
Sa Internet, bagama't marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o
kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog, ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing
wika nito. Napakalawak at napakarami kasi ng mga taong konektado sa Internet na umaabot sa mahigit
tatlong bilyon sa buong mundo.
Ano-ano nga ba ang mga babasahin at impormasyong nasusulat sa wikang Filipino sa Internet?
Mababasa rito ang mga dokumentong pampamahalaan tulad ng ating Saligang Batas at mga kautusang
mula sa iba't ibang sangay ng pamahalaan. Gayundin ang maraming akdang pampanitikan, mga
awiting nasusulat sa wikang Filipino maging ang mga lumang awiting-bayan na karaniwang laganap
lamang dati sa paraang pasalita, mga resipe, rebuy ng mga pelikulang Tagalog, mga balita mula sa
iba't ibang pahayag online, diksiyonaryong Filipino, mga impormasyong pangwika, video ng mga
broadcast, at samu't saring sulatin sa wikang Filipino tulad ng mga blog, komento, at marami pang
iba.
Marami ang mga babasahing nasusulat sa wikang Filipino o wikang Ingles na maaaring hindi
pa nakasasapat sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ng mga mag-aaral na naghahanap ng
mga impormasyon at babasahing nasusulat sa ating sariling wika. Maaaring sa hinaharap, ikaw na
nagbabasa nito, ay makatulong sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa mundo ng Intenet. Mahalaga
ang pagtutulungan ng bawat isa upang kung anuman ang meron tayo sa kasalukuyan ay lalong
maparami at makatulong nang malaki sa pagpapayaman ng ating wika sa mundong tinatawag na
virtual.
Sa pagtuturo at pagkakatuto ng wika ay hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning
panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga
angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at
magkaunawaan nang lubos ang dalawang (2) taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang
taong ito ay nagtataglay nang kasanayang komunikatibo o communicative competence; at hindi lang
basta kasanayang lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay maituturing na isang mabisang
communicator.
Ang terminong kasanayang komunikatibo o communicative competence ay nagmula sa
linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes noong
1996. Nilinang nila ng kasamahan niyang si John J. Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon sa
kasanayang lingguwistika (linguistic competence) na ipinakikilala naman ni Noam Chomsky noong
1965. Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lamang dapat magkaroon
ng kasanayang lingguwistika o gramatikal upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad na
gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin.
Simula ng maipakilala sa diskursong panglingwistika ang konsepto ng kasanayang komunikatibo,
maraming pag-aaral at mga mungkahi na ang inilabas ng mga dalubwikang patungkol dito. May ilang
nagsasalungatang ideya, gayunpaman, sa huli ay nagkaisa sila na ang isang taong may kakayahan sa
wika ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan at
galling sa paggamit ng wikang naangkop na mga sitwasyong pangkomunikatibo. (Bagaric, et. Al.,
2007)
Sa pagtatamo ng kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang
pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit
sa teksto. (Higgs at Clifford, 1992)
Sa mga silid-aralan nagaganap ang mga pormal na pagkatuto ng wika. Gayunpaman, kung ang
magiging tuon ng pagkatuto ng wika ay para lang maituro ang kayarian o gramatika ng wika tulad ng
mga bahagi ng pananalita, bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya, at ibang pang teknikal na aspeto
ng wika; at kung ang mga pagtataya ay nakapokus lang sa pagkilala, pagbilog, pagsalungguhit sa mga
bahagi ng istraktura ng wika, maaring hindi maabot ng mga Pilipinong mag-aaral ang pagkakaroon ng
kasanayang pangkomunikatibo. Nasusukat kasi ang kasanayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral
sa kanilang tatas sa pagsasalita ng wika, kakayahang umunawa, at makagamit ng tamang salita o wika
sa angkop na pagkakataon lalo na sa mga awtentikong sitwasyong hindi sila sananay.
Nararapat kung gayon na ang pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan ay maingat mula sa
pagkilala lang sa gramatika upang mapalawig, maiugnay, at magamit sa mga aktwal na sitwasyon sa
totoong mundo o sa tunay na buhay, pasalita man o pasulat. Dito lamang magkakaroon ng kahulugan
at kabuluhan ang mga araling pangwika dahil nakita at nagamit ng mga mag-aaral sa awtentikong
sitwasyon. Mula rito'y matatanim sa kanilang isipan ang kahalagahan ng mga ito hindi lang para sa
darating na pagsususlit kundi paa sa pangangailangan sa pakikipagtalastasan maging sa mga panahong
wala na sila sa loob ng silid-aralan.
Upang umabot sa ganitong uri ng pagkatuto ay mangangailangan nang higit na partisipasyon
ng mga mag-aaral sa mga gawaing lilinang ng makrong kasanayan tulad ng pagsasalita, pagbasa,
pakikinig, at pagsulat. Ayon kay Cantal-Pagkalinawan (2010), ang mahusay na klasrum pangwika ay
yaong may aktibong interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante, at estudyante sa kanyang kapwa
estudyante. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubay/facilitator lamang sa iba't ibang gawain sa
klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong nakikilahok sa iba't ibang gawaing
pangkomunikasyon. Sa interaksyon ng mga estudyante sa kapwa estudyante, kailangang bigyan sila
ng pantay na pagkakataon na makilahok sa iba't ibang gawain upang malinang ang kani-kanilang
kasanayan.
Makatutulong nang malaki ang pagsasagawa ng mga awtentikong pagtataya tulad ng
pagsasagawa ng mga gawaing pangkomunikatibong aktwal na mangyayari sa totoong mundo o sa
totoong buhay, pagbuo ng malikhaing pagpapahayag gamit ang wika tulad ng tula, sanaysay,
pagtatanghal, fliptop, pick-up lines, hugot lines, ulat, email, Facebook post, blog, maikling kuwento,
videotape, at iba pang gawaing lilinang sa kakayahan nilang makipagtalastasan.
Kung ganito ang magiging kalakaran ng pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan, makatutulong
ito upang makalinang ng mga pilipinong may kasanayang komunikatibo na handa sa mga hamong
daala ng buhay sa kadalawampu't isang siglo o 21st century.